Categories: Events, Mayor's Corner

Mark Anthony Baltazar

Share
𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗺𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴, 𝗜𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗸𝗮-𝟭𝟮𝟴 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀
Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang makabuluhang programa na ginanap sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Elpidio R. Rendon.
Dumalo sa nasabing pagdiriwang sina Vice Mayor Dr. Edward Antonio, mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Ismael Zalun, Hon. Heribert Rendon, at Hon. Amor Pasimio, kasama ang mga kinatawan mula sa PNP at BFP, mga Department Heads, School Heads, at mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung.
Binigyang-kulay ng programa ang mensahe ni Guest Speaker PLTCOL Edwin Aragon (Ret.) na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pagpapanatili ng diwa ng kabayanihan ng mga Pilipino.
Kasabay ng paggunita sa Araw ng Kalayaan, isinagawa rin ang pagkilala sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na itinalaga sa kanilang mga bagong posisyon bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyo publiko. Kinilala rin ang mga kawani na tumanggap ng iba’t ibang parangal bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at natatanging kontribusyon sa kanilang tungkulin.
Binigyang-pugay din ang mga estudyanteng kinatawan ng Amulung na lumahok sa ginanap na Palarong Pambansa, bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, talento, at karangalan na kanilang dala para sa bayan.
Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito, muling ipinakita ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang patuloy nitong pagsusulong ng pagkakaisa, pagpapahalaga sa kasaysayan, at pagkilala sa mga taong patuloy na nagbibigay serbisyo at dangal sa komunidad.