Mark Anthony Baltazar

Share
𝗔𝗺𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴, 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗡𝗮𝗴-𝗵𝗼𝘀𝘁 𝗻𝗴 𝟮𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗟𝗲𝗮𝗴𝘂𝗲 𝗼𝗳 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝗶𝗲𝘀 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻, 𝗜𝗻𝗰. (𝗣𝗟𝗘𝗔𝗦𝗘𝗦) 𝗖𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿.
Isinagawa ang 2nd Quarter Meeting ng Philippine League of Secretaries to the Sanggunian, Inc. (PLEASES) Cagayan Chapter sa Amulung Municipal Hall, kung saan dinaluhan ito ng mga Sangguniang Bayan (SB) Secretaries mula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Cagayan.
Malugod na sinalubong ni Municipal Mayor Hon. Elpidio Rendon, kasama sina Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Sir Rommel Aquino at Sangguniang Bayan Member Hon. Heribert Rendon, ang mga kalahok na SB Secretaries na nakiisa sa nasabing pagpupulong.
Bilang bahagi ng programa, naging panauhing tagapagsalita si Mrs. Rosalinda Callang, DPA, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman ukol sa Legal Mandates, Legislative Procedure, Compliance Requirements, at Best Practices sa ilalim ng Local Government Code (LGC) of 1991.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin na makatutulong sa mas maayos, episyente, at naaayon sa batas na pagsasagawa ng tungkulin ng mga Sangguniang Bayan Secretaries bilang katuwang sa pagpapatupad ng mahusay na pamamahala sa bawat lokal na pamahalaan.