Categories: Uncategorized

Mark Anthony Baltazar

Share
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang isang African Swine Fever (ASF) Preparedness and Contingency Planning Meeting bilang bahagi ng maagap na paghahanda upang mapanatiling ligtas ang industriya ng paghahayupan sa bayan sa gitna ng paglaganap ng ASF sa ilang lugar.
Ang ASF o African Swine Fever ay isang malubha at nakahahawang sakit na nakaaapekto sa mga baboy at maaaring magdulot ng mataas na bilang ng pagkamatay nila. Gayunpaman, nilinaw na ang sakit na ito ay hindi nakahahawa sa tao at walang epekto sa kaligtasan ng pagkonsumo ng maayos na naprosesong karne ng baboy.
Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso ng ASF sa bayan ng Amulung, subalit patuloy na pinaiigting ng lokal na pamahalaan ang mga hakbang sa pag-iwas, mahigpit na pagbabantay, at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang mapanatiling ASF-free ang munisipalidad.