
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Mainit na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Amulung ang tubong Ballesteros, Cagayan at Miss Philippines Earth 2026 na si Queen Rina Andrea Delos Santos sa kanyang courtesy visit sa munisipyo.
Malugod siyang sinalubong nina Hon. Mayor Elpidio Rendon at Hon. Vice Mayor Dr. Edward Antonio, kung saan nagkaroon sila ng makabuluhang talakayan tungkol sa kanyang inspiradong paglalakbay sa mundo ng pageantry, mga adbokasiya para sa pangangalaga ng kalikasan, at sa kanyang nalalapit na responsibilidad bilang kinatawan ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado.
Naging katuwang naman ang Amulung Tourism Office sa maayos na pagdalaw ni Queen Rina, habang masayang sinalubong ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ang pagkakataong makilala at makapagpa-picture kasama ang kanilang kababayang beauty queen.
Ipinahayag ni Mayor Rendon ang kanyang buong suporta kay Queen Rina sa kanyang laban at sa kanyang mga adbokasiya. Buong pagmamalaki ring ipinapaabot ng Pamahalaang Bayan ng Amulung ang suporta at paghanga sa ating reyna habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang makabuluhang misyon para sa kalikasan at sa bayan.
Mabuhay ka, Queen Rina! Buong Amulung ay nasa likod mo sa iyong laban!



