Categories: Uncategorized

Mark Anthony Baltazar

Share
Isinagawa ang turnover ceremony ng bagong tayong Child Development Center sa Barangay Anquiray, Amulung, Cagayan, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan ng mas maayos at angkop na pasilidad para sa edukasyon at pag-unlad ng mga kabataan.
Dumalo sa programa si Municipal Mayor Hon. Elpidio R. Rendon, kasama sina Vice Mayor Dr. Edward M. Antonio, SB Marcian Donato III, SB Heribert Rendon, SB Jong Malamug, at SB Cristopher Marcos, gayundin ang mga guro at miyembro ng komunidad.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Adrian Baculi ang pagbabasbas sa bagong pasilidad, na sinundan ng ribbon-cutting ceremony bilang pormal na pagmamarka sa pagbubukas nito.
Ipinahayag naman ni Punong Barangay Hon. Roel Pascual, kasama ang buong hanay ng mga opisyal ng Barangay Anquiray ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa lokal na pamahalaan sa pagkakaloob ng bagong pasilidad na inaasahang makatutulong sa pagpapabuti ng mga bata sa kanilang barangay.
Sa pamamagitan ng bagong Child Development Center, inaasahang magkakaroon ang mga batang mag-aaral ng mas maayos at ligtas na lugar para sa kanilang maagang pagkatuto at paghubog ng mga pangunahing kasanayan. Patuloy namang isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang mga programang nagbibigay-pansin sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataang Amulungeño.