
Isinagawa ang Turn-Over Ceremony para sa bagong tayong Daycare Center sa Barangay Pacac Pequeño, Amulung, Cagayan, na naglalayong makapaglaan ng mas maayos, ligtas, at angkop na pasilidad para sa mga batang preschool sa komunidad.
Pinangunahan ni Mayor Hon. Elpidio R. Rendon ang seremonya, kasama sina Vice Mayor Dr. Edward M. Antonio, SB Marcian Donato, SB Heribert Rendon, SB Amor Pasimio, SB Ismael Zalun, MLGOO Mr. Rommel Aquino, at mga Department Heads ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung.
Pinangunahan naman ni Ptr. Ruben Perocho ng Amulung Ministerial Alliance ang pagbasbas sa bagong pasilidad bilang bahagi ng seremonya.
Ipinahayag ng mga Barangay Officials ng Pacac Pequeño ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa pagkakaloob ng nasabing proyekto, na magsisilbing mahalagang dagdag na pasilidad para sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan sa kanilang barangay.



