Mark Anthony Baltazar

Share

Dinaluhan nina Municipal Mayor Elpidio Rendon, Sangguniang Bayan Member Marcian Donato III, at Sangguniang Bayan Member Heribert Rendon ang pormal na pagbubukas ng Emperor Gas Station na matatagpuan sa Barangay Centro.
Nagsimula ang programa sa isang panalangin at blessing na pinangunahan ni Rev. Fr. Adrian Baculi upang hilingin ang gabay at biyaya para sa matagumpay at ligtas na operasyon ng bagong establisyimento. Sinundan ito ng ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng opisyal na pagbubukas ng Emperor Gas Station.
Ipinahayag ng mga dumalong opisyal ang kanilang suporta sa mga negosyong patuloy na namumuhunan sa bayan ng Amulung, na nagbibigay ng karagdagang serbisyo, oportunidad sa hanapbuhay, at ambag sa lokal na ekonomiya.