
Pinangunahan ng ating butihing Alkalde Hon. Elpidio Rendon at Local Civil Registrar Officer Ms. Liza Abad ang 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙏𝙪𝙧𝙞𝙨𝙢𝙤 𝟐𝟎𝟐𝟔 kung saan masasaksihan pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan ngayong ika-20 ng Pebrero 2026 sa Municipal ground ng Lokal na pamahalaan ng Amulung.
Dinaluhan ito ng 29 na magkasintahan na galing sa iba’t ibang Barangay ng Amulung.
Ang pabungad na pananalita ng ating Alkalde binigyang diin niya ang pagiging sagrado ng kasal at ang kahalagahan nito sa pag-sasama ng mga mag-asawa.
Sambit ng ating Alkalde ang matagumpay na pagsasama ng bawat isa malusog na pangangatawan at mapagtagumpayan sana niyo ang mga pangarap sa buhay.
Dumalo rin dito ang ating Bise Alkalde Dr. Edward Antonio kasama sina SB Amor Pasimio, SB Heribert Rendon, SB Ismael Zalun, SB Jong Malamug, SB Christopher Marcos at SB Marcian Donato, SB Aljhon Pascual, Department Heads ng Lokal na Pamahalaan at mga Barangay Captains mula sa iba’t ibang Barangay.
Naging panauhin dito sila 3rd District Representative ng Cagayan Congressman Joseph “Jojo” Lara, PSA Regional Office representative Ma’am Rose Pacay at representative mula sa PSA Cagayan Provincial Office na si Ma’am Imelda Abad bilang saksi ng Kasalang Turismo.
Lubos ang pasasalamat ng ating Alkalde sa lahat ng tumulong at dumalo sa kasalang ito dahil sa matagumpay na natapos ang naturang aktibidad.
Congratulations and best wishes sa mga kababayan nating bagong kasal.





