
Kinilala ang Lokal na Pamahalaan ng Amulung, Cagayan matapos nitong makamit ang Level 3 Functionality sa isinagawang 2025 TAPAT (Tulong Angkop sa Pantawid) Local Government Unit’s Functionality Assessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 02.
Iginawad ang sertipikasyon noong Marso 6, 2026 sa ginanap na 4Ps TAPAT Awards Rites sa Hotel Carmelita, Tuguegarao City.
Ang nasabing pagkilala ay nagpapatunay sa mahusay na pagpapatupad ng LGU Amulung ng mga programa at mekanismo kaugnay ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), kabilang ang maayos na koordinasyon ng lokal na pamahalaan at ng iba’t ibang partner stakeholders upang matiyak ang epektibong paghahatid ng mga serbisyo para sa mga benepisyaryong pamilya.




