Mark Anthony Baltazar

Share
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Patuloy ang isinasagawang bloodletting activity sa bayan ng Amulung bilang bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa suplay ng dugo at kalusugan ng mamamayan. Ngayong araw, isinagawa ang nasabing aktibidad sa mga Barangay Anquiray at Estefania sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office (MHO) Amulung at Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Dumalo at nagpakita ng buong suporta sa aktibidad si Mayor Hon. Elpidio R. Rendon, kasama sina SB Amor Pasimio at LNB President Kap. Consuelo Buquing. Pinuri ng alkalde ang mga boluntaryong blood donors at ang mga katuwang na ahensya sa kanilang malasakit at patuloy na pagtulong upang makapagsalba ng buhay.