Mark Anthony Baltazar

Share
Isinagawa ngayong araw ang turn-over ceremony para sa bagong tayong Child Development Center sa Barangay Annafatan na pinondohan ng lokal na pamahalaan upang mapabuti ang pasilidad at higit na mapalakas ang serbisyong pang-edukasyon para sa mga batang preschool sa komunidad.
Pinangunahan ni Mayor Elpidio Rendon, kasama sina Vice Mayor Dr. Edward Antonio, SB Marcian Donato, SB Christopher Marcos, SB Heribert Rendon, SB Ismael Zalun, SB John John Malamug, LNB President Consuelo Buquing, at mga Department Heads ang isinagawang seremonya.
Dinaluhan din ito ng mga kinatawan ng Barangay Annafatan sa pangunguna ni Punong Barangay Michael Baril, mga guro, magulang, at mga residente ng barangay.
Inaasahang magsisilbing mas ligtas, maayos, at komportableng learning environment para sa mga batang tumatanggap ng early childhood education ang bagong Child Development Center.