Categories: Events, Mayor's Corner

Mark Anthony Baltazar

Share
Pinangunahan ng ating butihing Alkalde Hon. Elpidio Rendon at Local Civil Registrar Officer Ms. Liza Abad and pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan ngayong ika-14 ng February 2025 sa Lolo kik’s Restaurant, Barangay Centro Amulung Cagayan.
Dinaluhan ito ng 31 na pares na galing sa iba’t ibang Barangay ng Amulung.
Dumalo din sa nasabing programa sina SB Amor Pasimio, SB Marcian Donato, SB Christopher Marcos, SB Jong Malamug Ma’am Claire Callangan, Sir Odi Boy Fausto Jr., Bishop Philip Pattaguan, mga iba’t – ibang Barangay Officials at Department heads ng Lokal na Pamahalaan.
Ang pabungad na pananalita ng ating Alkalde binigyang diin niya ang pagiging sagrado ng kasal at ang kahalagahan nito sa pag-sasama ng mga mag-asawa.
Sambit ng ating Alkalde ang matagumpay na pagsasama ng bawat isa malusog na pangangatawan at mapagtagumpayan sana niyo ang mga pangarap sa buhay.
Lubos ang pasasalamat ng ating Alkalde sa lahat ng tumulong at dumalo sa kasalang ito dahil sa matagumpay na natapos ang naturang aktibidad.
Congratulations and best wishes sa mga kababayan nating bagong kasal.