Categories: Announcements, Events

Mark Anthony Baltazar

Share
TINGNAN | Kahapon, ika – 11 ng Pebrero ay naganap ang Inauguration Ceremony ang bagong gymnasium ng Barangay Anquiray dito sa bayan ng Amulung, pinangunahan ito ng ating 3rd District Congressman Joseph “Jojo” Lasam Lara.
Pinangasiwaan naman ni Fr. Adrian Baculi ang pag basbas sa pasilidad.
Dumalo din sa programang ito ang ating bise alkalde Dr. Edward Antonio, SB Mark Baculi, SB Aljohn Pascual, SB Amor Pasimio, SB Jong Malamug, SB Christopher Marcos, Board Member Odi Fausto, Tuguegarao City Councilor Ma’am Claire Callangan, Sir Odi boy Fausto Jr., Sir Heribert Rendon, Dra. Zarah Lara at iba’t – ibang mga Barangay Captain sa Bayan ng Amulung.
Labis naman ang pasasalamat ng Punong Barangay ng Anquiray na si Kap Roel Pascual dahil natupad na ang matagal ng pangarap ng kanilang barangay.
Tunay ngang mapalad ang bayan ng Amulung sa mga biyaya at tulong na naihahatid sa atin dahil na rin sa masipag at taos pusong serbisyo ng kasalukuyang administrasyon.
Wala man sa programa si Mayor Elpidio Rendon ay lubos siyang nagpapasalamat sa ngalan ng LGU Amulung dahil tayo ay isa sa laging napipiling tulungan dito sa ating bayan.