Categories: Uncategorized

Mark Anthony Baltazar

Share
Pormal na inilunsad ng National Tobacco Administration (NTA), katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang Joint  sa pamamagitan ng isang tree planting activity na isinagawa sa Sanitary Landfill Site sa Barangay Marobbob, Amulung, Cagayan.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito ng pambansa at lokal na pamahalaan kasama ang mga katuwang na institusyon, muling pinagtitibay ang kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng benepisyo sa kalikasan at sa kabuhayan ng mga mamamayan ng Amulung.
Dumalo sa aktibidad sina Municipal Mayor Hon. Elpidio R. Rendon at Vice Mayor Dr. Edward M. Antonio, kasama ang mga department heads at mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa programang pangkalikasan.
Nakiisa rin sa paglulunsad ng proyekto ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, kabilang sina Hon. Belinda S. Sanchez, Administrator and CEO ng National Tobacco Administration; Hon. Nestor C. Casela, Deputy Administrator for Operations ng NTA; Mr. Freddie G. Lazaro, Acting Department Manager III ng NTA–Cagayan Branch; Mr. Rey N. Cacal, Project Manager ng ULPI (Universal Leaf Corporation); at Engr. Zelda A. Vasquez, CENR Officer ng CENRO-Alcala.