Mark Anthony Baltazar

Share
Nakapanayam si Mayor Elpidio Rendon bilang bahagi ng Group Contest sa Collaborative at Desktop Publishing at Online Desktop Publishing sa isinagawang 2026 Congressional District 3 Schools Press Conference na ginanap sa Cordova National Agritourism School.
Sa panayam, ibinahagi ni Mayor Rendon ang iba’t ibang programa, proyekto, at hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung para higit pang mapalakas ang serbisyo publiko at maisulong ang patuloy na pag-unlad ng bayan.
Ibinahagi din ng alkalde ang patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maisulong ang mga programa at proyektong makatutulong sa kapakanan ng komunidad at sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan.
Naging pagkakataon din ito para sa mga estudyante na mamamahayag na mas makilala at maitala ang mga programa at kuwento mula sa kanilang sariling komunidad.