Mark Anthony Baltazar

Share
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang cornerstone laying ceremony para sa bagong itatayong slaughterhouse at ang paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng Salumina Sports Complex, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mga proyektong pangkaunlaran para sa mga mamamayan ng bayan.
Ang mga proyekto na ito ay mula sa inisyatiba ng butihing Alkalde Hon. Elpidio Rendon, katuwang si 3rd District Representative Congressman Joseph “Jojo” Lara, Vice Mayor Dr. Edward Antonio at lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan bilang tugon sa pangangailangan ng komunidad at pagpapalakas ng mga pasilidad sa Amulung.
Bahagi ng isinagawang aktibidad ang pagbabasbas sa pangunguna nina Rev. Fr. Adrian Baculi at Rev. Fr. Paolo Pasinca, bilang pagpapahayag ng pasasalamat at paghingi ng gabay para sa matagumpay na pagsasakatuparan ng mga nasabing proyekto.
Dumalo sa aktibidad sina Vice Mayor Dr. Edward Antonio, SB Heribert Rendon, SB John John Malamug, SB Ismael Zalun, SB Amor Pasimio, SB Cristopher Marcos, mga department heads ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung, mga punong barangay, gayundin ang mga kinatawan at kawani mula sa DILG Region II, DILG Province, at Department of Agriculture.
Ang pagtatayo ng bagong slaughterhouse ay inaasahang magbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga mamamayan, habang ang Salumina Sports Complex naman ay magsisilbing lugar para sa mga aktibidad pampalakasan at iba pang pagtitipon ng komunidad.