
TINGNAN | Pinangunahan ni Mayor Elpidio R. Rendon, kasama sina Vice Mayor Edward M. Antonio, SB Member Christopher C. Marcos, SB Member Heribert R. Rendon, Liga ng Barangay President Consuelo M. Buquing, at mga department heads ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang pagsaksi sa pormal na turnover ng Notice of Award (NOA) sa ilalim ng President Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) Rice Program para sa Cagayan Seed Producers Multi-Purpose Cooperative.
Isinagawa ang seremonya sa Amulung Municipal Hall na nagsisilbing panimulang hakbang ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng kooperatiba upang higit pang mapaunlad ang produksyon ng palay sa lalawigan ng Cagayan, kabilang ang bayan ng Amulung.
Layunin ng inisyatibang ito na mapataas ang ani ng mga magsasaka, mapababa ang gastusin sa produksyon, at mapalakas ang seguridad sa pagkain para sa mga magsasaka ng Cagayan.
Ipinahayag naman ng mga opisyal ng LGU ang kanilang buong suporta upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagpapatupad ng programa. Inaasahang magsisimula sa lalong madaling panahon ang pamamahagi ng binhi at mga pagsasanay para sa mga benepisyaryong magsasaka.



