Mark Anthony Baltazar

Share
Nakiisa si Municipal Mayor Elpidio R. Rendon sa isinagawang Grand Opening ng bagong sangay ng 7-Eleven sa Barangay Anquiray, Amulung, bilang pagpapakita ng suporta ng lokal na pamahalaan sa mga negosyo na nagdudulot ng karagdagang serbisyo, oportunidad sa trabaho, at pag-unlad ng lokal na ekonomiya.
Sinimulan ang programa sa pagbasbas ng pasilidad na pinangunahan ni Rev. Fr. Adrian Baculi, na sinundan ng ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng bagong establisyemento.
Kasama ring dumalo sa naturang okasyon sina Vice Mayor Dr. Edward M. Antonio, SB Member Jong Malamug, SB Member Marcian Donato III, SB Member Ismael Zalun, SB Member Amor Pasimio at SB Member Heribert Rendon. Nakiisa rin ang mga opisyal ng Barangay Anquiray at mga residente ng komunidad upang saksihan ang pagbubukas ng bagong convenience store sa kanilang lugar.