
Taos-pusong muling binabati ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang ating mga atletang Amulungeño na buong dangal na kumatawan sa bayan sa Cagayan Provincial Athletes Association (CPAA) 2026.
Sa pamamagitan ng kanilang sipag, disiplina, at determinasyon, nakamit ng Amulung ang kahanga-hangang 50 gold medals, 18 silver medals at 15 bronze medals.
Bunga nito, nasungkit natin ang 2nd Runner-Up sa Elementary Division, Kampeon sa Secondary Division, at ang pinakamataas na karangalan bilang Overall Champion ng CPAA 2026.



