Mark Anthony Baltazar

Share
Pinangunahan ni Municipal Mayor Hon. Elpidio R. Rendon, katuwang si Acting Vice Mayor Hon. Marcian Donato, Sangguniang Bayan Member Hon. Heribert Rendon at Sangguniang Bayan Member Hon. Ismael P. Zalun ang pamamahagi ng financial subsidy para sa mga senior citizen mula sa mga western barangay ng Amulung na ginanap kahapon sa sa Annafatan Sub-Office at ginanap ngayong araw sa Sofia Morales Memorial Gymnasium, Centro Amulung bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagkalinga ng pamahalaang lokal sa sektor ng mga nakatatanda.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Municipal Social Welfare, Development Office (MSWDO) at Municipal Treasury Office, upang matiyak ang maayos, organisado, at ligtas na pamamahagi ng tulong sa mga benepisyaryo.
Ang regular na pamamahagi ng subsidy para sa mga senior citizen ay isinasakatuparan alinsunod sa mga umiiral na lokal na ordinansa at pambansang batas na naglalayong pangalagaan at isulong ang kapakanan at karapatan ng mga nakatatanda sa komunidad.