Mark Anthony Baltazar

Share
TIGNAN | Pormal nang binuksan sa publiko ang , isang malaking proyektong imprastraktura na inaasahang magpapalakas sa ekonomiya at magbibigay ng mas mabilis na transportasyon sa bayan. Ang seremonya ng pagpapasinaya, na ginanap nitong Sabado ika – 20 ng Septyembre 2025 at dinaluhan ng mga opisyal ng gobyerno at mga residente.
Ang proyekto ay inisyatibo ni 3rd District Congressman Joseph “Jojo” Lara, na sinuportahan ng butihing alkalde ng Amulung na si Hon. Elpidio Rendon, kasama ang iba pang lokal na opisyal.
Samantala, nagpahayag din ng pasasalamat si Mayor Rendon sa suporta ng kongresista at ng mga ahensya ng gobyerno.
Ang tulay ay matagal nang pangarap ng bawat Amulungeño dahil malaki ang maitutulong nito upang mapabilis ang biyahe sa pagitan ng Amulung East at Amulung West.
Bago ito ay kailangan pang sumakay sa bangka ang mga residente para makatawid sa ilog. Bukod dito, inaasahang magpapagaan din ang tulay sa daloy ng trapiko at magbibigay ng direktang ruta sa mga magsasaka at negosyante upang mas mabilis na maihatid ang kanilang mga produkto. Inaasahan din na magiging daan ito para sa mas maraming oportunidad sa turismo at kalakalan sa Amulung at karatig-bayan nito.
Dumalo rin sa seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kapitan ng barangay, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, na nagpapatunay sa malawakang suporta para sa proyektong ito. Ang Amulung Kaunlaran Bridge ay isa nang testamento sa epektibong pamumuno at kooperasyon ng mga lokal na opisyal para sa ikabubuti ng kanilang nasasakupan.