
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 |
.
.Isinagawa ang Turn-Over Ceremony para sa bagong tayong Gymnasium Building at Comfort Room ng Amulung East Central School, na pinondohan ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung bilang bahagi ng patuloy nitong pagsusulong ng mga proyektong nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng sektor ng edukasyon.
Dumalo sa nasabing seremonya sina Municipal Mayor Hon. Elpidio Rendon, Vice Mayor Dr. Edward Antonio, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina SB Heribert Rendon, SB Amor Pasimio, SB Ismael Zalun, at SB Marcian Donato.
Naroon din si Public Schools District Supervisor Ma’am Gilda Trinidad, kasama ang mga guro, mag-aaral, at mga magulang ng paaralan na nakibahagi sa makabuluhang okasyong ito.
Dumalo rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa Municipal Engineering Office at Municipal Assessor’s Office, na bahagi ng mga tanggapan ng Lokal na Pamahalaan na sumusuporta sa pagpapatupad at pangangasiwa ng mga proyektong pang-imprastraktura ng munisipyo.
Ang bagong pasilidad ay inaasahang magsisilbing mas maayos, at ligtas para sa iba’t ibang aktibidad ng mga mag-aaral, guro, at buong komunidad ng paaralan.



