Categories: Mayor's Corner

Mark Anthony Baltazar

Share
Tumanggap si Gng. Rosita Modes mula sa Barangay Goran ng ₱30,000.00 na tulong pinansyal mula sa Lokal na Pamahalaan ng Amulung bilang pagkilala at suporta sa kanyang pag-abot sa isang natatanging yugto ng buhay—ang pagiging centenarian o 100 taong gulang.
Personal na iniabot ni Mayor Elpidio Rendon ang tseke sa tahanan ni lola rosita kasama ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung.
Ang simpleng pagdalaw at paghahatid ng tulong ay patunay ng patuloy na pagkalinga at pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa mga nakatatanda, lalo na sa mga Amulungueñong umabot sa isang siglo ng buhay.