Mark Anthony Baltazar

Share
Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang turnover ceremony ng bagong tayong gymnasium sa Dadda Elementary School.
Ang nasabing proyekto ay itinayo sa pamamagitan ng pondo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Amulung upang magsilbing ligtas at maayos ang mga programa ng paaralan at komunidad.
Parte ng programa ang tradisyunal na ribbon-cutting ceremony bilang simbolo ng opisyal na pagbubukas ng pasilidad. Isinagawa rin ang pagbasbas sa bagong gymnasium na pinasimunuan ni Rev. Fr. Adrian Baculi.
Pinangunahan ni Mayor Elpidio Rendon ang seremonya kasama ang mga departament at unit heads ng LGU. Nakiisa rin sa mahalagang kaganapan ang mga opisyal ng Barangay Dadda, mga guro, at mga mag-aaral ng Dadda Elementary School.
Gagamitin ang bagong gymnasium sa mga aktibidad tulad ng sports events, programa sa paaralan, at iba pang pagtitipon ng pamayanan sa Barangay Dadda.