
TINGNAN | Isang makasaysayang hakbang ang isinagawa ng Amulung East Central School sa pamamagitan ng paglulunsad ng
o Keeping Artifacts, Masterpieces, And Local Inheritance in Gallery—isang museum exhibit na naglalayong ipreserba at ipakita ang mayamang kultura, sining, at kasaysayan ng bayan ng Amulung.
o Keeping Artifacts, Masterpieces, And Local Inheritance in Gallery—isang museum exhibit na naglalayong ipreserba at ipakita ang mayamang kultura, sining, at kasaysayan ng bayan ng Amulung.Ginawang opisyal na lugar ng nasabing exhibit ang makasaysayang Gabaldon Building sa loob ng paaralan, kung saan itinampok ang iba’t ibang antigong kagamitan, larawan, sining, at iba pang mahahalagang pamanang lokal na sumasalamin sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng mga Amulungeño.
Pinangunahan ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan at kagawaran ng edukasyon ang seremonya ng pagbubukas. Dumalo sa programa si Hon. Elpidio Rendon, alkalde ng bayan ng Amulung, kasama sina Bise Alkalde Hon. Edward Antonio, SB Ismael Zalun, at SB Amor Pasimio.
Kasama rin sa mahahalagang panauhin sina Ma’am Gilda Trinidad, District Supervisor, at Sir Reynante Caliguiran, Schools Division Superintendent. Nakiisa rin sa okasyon ang iba pang opisyal ng DepEd, mga guro, magulang, at miyembro ng komunidad.
Ang Project KAMALIG ay bukas para sa mga mag-aaral, guro, magulang, at mga bisitang nais makita at matutunan ang mayamang kasaysayan at kultura ng Amulung. Inaasahan ng pamunuan ng paaralan na ito ay magiging simula ng mas maraming hakbang tungo sa cultural preservation at community engagement sa mga susunod na taon.



