
Pormal nang binuksan sa publiko ang pinagandang public restroom ng Amulung Public Market matapos sumailalim sa masusing renovation upang mas maging malinis, maayos, at komportableng gamitin ng mga mamimili at manininda.
Dinaluhan ni Mayor Elpidio Rendon ang ginanap na pagbubukas kasama ang mga department head ng lokal na pamahalaan at mga vendor ng palengke.
Ang na-renovate na palikuran ay may mga pinahusay na pasilidad, kabilang ang mas maayos na bentilasyon, bagong pintura, pinalitan ding mga palikuran at lababo, at mas sistematikong pamamahala sa kalinisan.
Sa pagtatapos ng programa, pinangunahan ni Mayor Rendon kasama ang mga department head ang ribbon-cutting ceremony bilang hudyat ng muling pagbubukas ng pinagandang pasilidad.




