
𝗧𝗜𝗡𝗚𝗡𝗔𝗡 | Nagsagawa ng payout ang Lokal na Pamahalaan ng Amulung para sa ating mga Persons with Disability (PWD) mula sa pondo ng munisipyo bilang bahagi ng patuloy na malasakit at suporta sa sektor ng may kapansanan.
Pinangunahan ng ating butihing alkalde Hon. Elpidio R. Rendon ang aktibidad, kasama si Sangguniang Bayan Member Hon. Marcian Donato. Aktibong tumulong sa maayos na pagsasagawa ng payout ang mga empleyado ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at ng Municipal Treasury Office upang matiyak ang mabilis at maayos na pamamahagi ng ayuda.
Layunin ng programang ito na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryong PWD at maipakita ang patuloy na pagkilala ng lokal na pamahalaan sa kanilang karapatan at kapakanan.




