Mark Anthony Baltazar

Share
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Isinagawa ang turn-over ceremony para sa bagong tayong Child Development Center sa Barangay Caratacat, Amulung, Cagayan. Layunin nitong magkaroon ang mga batang preschool ng mas maayos, ligtas, at komportableng lugar para sa kanilang pag-aaral.
Pinangunahan ni Mayor Elpidio R. Rendon, kasama sina Vice Mayor Dr. Edward M. Antonio, SB Marcian Francisco B. Donato III, SB Heribert R. Rendon, SB Ismael P. Zalun, SB John John Malamug, MLGOO Sir Rommel Aquino at mga Department Heads ang seremonya.
Dumalo rin ang mga kinatawan ng Barangay Caratacat sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Emmanuel Vergara, kasama ang mga guro, magulang, at residente ng barangay.
Ang bagong pasilidad ay bahagi ng patuloy na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung na naglalayong mapabuti ang mga pangunahing serbisyo, lalo na sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan.