
Personal na iniabot ni Mayor Elpidio Rendon ang tseke na nagkakahalaga ng P20,000 bilang financial assistance kay Lola Salud Orlanes, 95 taong gulang, mula sa Barangay Bayabat, Amulung.
Sa pagdalaw ng alkalde, kanyang personal na iniabot kay Lola Salud ang tulong pinansyal bilang bahagi ng patuloy na pagkalinga at suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung sa mga nakatatandang mamamayan ng bayan.
Kasama ni Mayor Rendon sa pag-abot ng financial assistance si Vice Mayor Dr. Edward M. Antonio, gayundin ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung.
Mabuhay po kayo, Lola Salud! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng malakas na pangangatawan at mahabang buhay.



