Categories: Top News

Mark Anthony Baltazar

Share
Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Amulung ang pagkakahirang kay Municipal Budget Officer Jennelson Bilag Gorospe bilang isa sa tatlong Regional Qualifier o Winner na nominado sa Gawad Lingkod Bayani – Gawad Pag-asa (Individual Category) ng Civil Service Commission (CSC).
Ang pormal na pagkilala ay idinaos sa Lungsod ng Tuguegarao, kung saan kasama niyang tumanggap ng parangal ang kanyang ama na si Mr. Jose Gorospe, Mayor Elpidio R Rendon, HRMO Mr. Paul Belen SB Amor Pasimio, at MPDO EnP Mrs. Irma Aguiling.
Ang Gawad Pag-asa ay isa sa pinakamataas at pinapahalagahang parangal sa ilalim ng Honor Awards Program (HAP) ng Civil Service Commission (CSC). Iginagawad ito sa mga indibidwal o grupo ng kawani ng pamahalaan na nagpamalas ng natatanging kontribusyon, ideya, o pagganap sa tungkulin na nagdulot ng direktang kapakinabangan sa publiko at iba’t ibang ahensya.
Ibinibigay ito para sa mga makabagong programa (innovations), epektibong mungkahi, imbensyon, o pambihirang tagumpay na nagpabuti sa sistema ng pamamahalaan.
Ito rin ay kabilang sa mga pangunahing parangal para sa mga natatanging lingkod-bayan na nagtataguyod ng integridad, dedikasyon, at kahusayan sa serbisyo publiko