Mark Anthony Baltazar

Share
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 | Pormal nang binuksan ang HER Photo Studio na matatagpuan sa 2nd Floor ng Amulung Public Market, na naglalayong maghatid ng de-kalidad na photography services.
Dinaluhan ni Municipal Mayor Hon. Elpidio Rendon, kasama si SB Heribert Rendon at iba pang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Amulung ang pagbubukas ng nasabing negosyo.
Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng pagbasbas sa pasilidad na pinangasiwaan ni Pastor Celia Salvador, bilang bahagi ng pagpapahayag ng pasasalamat at paghingi ng patnubay para sa bagong itinatag na negosyo.
Sinundan ito ng ribbon-cutting ceremony na nagsilbing opisyal na tanda ng pagbubukas ng HER Photo Studio sa publiko.
Ito ay isa sa mga hakbang na n agpapakita ng patuloy na pag-usbong ng mga bagong negosyo sa bayan, na nagbibigay ng karagdagang serbisyo at oportunidad sa komunidad.