
Isang makasaysayang araw ang naganap sa bayan ng Amulung, Cagayan ngayong araw, Hunyo 17, 2025 dahil ginanap ang inaugurasyon ng kanilang bagong police station. Ang bagong gusali ng Amulung Police Station ay itinuturing na isang malaking hakbang tungo sa pagpapabuti ng seguridad at serbisyo para sa mga residente ng bayan.
Dumalo sa seremonya ang ating butihing alkalde Hon. Elpidio Rendon na pinuri ang bagong istasyon bilang isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang law enforcement sa bayan ng Amulung.
Ipinagdiwang ang pagpapasinaya sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony at panalangin na pinangunahan ni Rev. Fr. Adrian Baculi upang ipagdasal ang kaligtasan at tagumpay ng mga kapulisan at mamamayan.
Kasama rin sa mga dumalo sina PBGEN Antonio Marallag Jr. (Regional Director, PRO2), PCOL Mardito Anguluan (Provincial Director, CPPO) PCOL Oliver Ocampo (Chief REU 2) PMAJ Jose Cabaddu (Chief of Police, Amulung PS), Judge Mira Minda Callangan (MTC), MLGOO Sir Rommel Aquino, SB Ismael Zalun, SB Marcian Donato at mga residente ng Amulung.
Ang inaugurasyon ng bagong police station ay hindi lamang isang tagumpay para sa mga awtoridad, kundi isang paalala rin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa isang komunidad.




