Mark Anthony Baltazar

Share
Matagumpay na ginunita ang ika-31 Founding Anniversary ng Amulung Sub-Office na ginanap noong Agosto 10, 2026 sa Barangay Annafatan, Amulung, Cagayan, na may temang “Maika-31 a Tawen: Rangtay ti Biag ken Naimpapusuan a Panagserbi.”
Dumalo sa pagdiriwang si Mayor Elpidio Rendon, kasama sina Vice Mayor Dr. Edward Antonio, SB Heribert Rendon, SB Jong Malamug, at SB Cristopher Marcos, gayundin ang mga department heads at empleyado ng Lokal na Pamahalaan, mga barangay officials, at mga miyembro ng komunidad.
Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Holy Mass bilang pasasalamat sa patuloy na paggabay at biyaya sa loob ng 31 taon ng paglilingkod ng Amulung Sub-Office sa mamamayan.
Bahagi rin ng programa ang pamamahagi ng honoraria sa mga Barangay Tanod, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at Barangay Health Workers (BHW) bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa pagpapanatili ng kaayusan, kalusugan, at kapakanan ng bawat komunidad.
Naging tampok din sa selebrasyon ang Municipal Tourism Quiz Bee upang palawakin ang kaalaman at pagpapahalaga ng mga kalahok sa kasaysayan, kultura, turismo ng Amulung
Samantala, inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa Night Market at Live Band na gaganapin tuwing gabi hanggang Agosto 20, 2026 sa Annafatan Public Market.
Halina’t makiisa, mamili, kumain, at magsaya kasama ang ating mga kababayan habang ipinagdiriwang ang ika 31 na taon ng serbisyo at pagkakaisa sa Amulung!