yrgnccte

Share

Hunyo 5, 2023, pinangunahan ni Congressman Joseph “Jojo” Lasam Lara, Dra. Zarah De Guzman Lara, Board Member Ross Rosuello, Board Member  Leonides Odi Fausto, Mayor Elpidio Reyes Rendon, at Vice Mayor Edward Antonio ang Corner Stone-Laying ng itatayong Amulung West Public Market sa Annafatan, Amulung, Cagayan. Kasama din sa nasabing seremonya ang mga SB Members, LnB President, LGU Department Heads, DepEd School Heads, Barangay Officials, NGOs, iba’t-ibang Unifomed Personnel, at mga Public Market vendor. 

Nagbahagi naman si Ptr. Vicente Santias Jr. ng salita ng Diyos sa lahat ng dumalo at pinangunahan ang Site-Blessing.

Sa mensahe naman ng ating alkalde, siya ay lubos na nagpapasasalamat sa napakaraming biyaya at sunud-sunod na proyekto sa ating bayan dahil sa tulong ng National Government at DPWH sa pamamagitan ni Congressman Lara at ngayon isa na namang malaking proyekto ang mauumpisahan dahil sakanya at magiging malaking tulong ito sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan ng Amulung. Ang joint project na ito ay sisimulan dahil sa 10,000,000.00 piso mula sa General Appropriations Act sa inisyatibo ni Congressman Lara, at itutuloy sa pamamagitan ng 7,000,000.00 piso na galing sa pondo ng LGU Amulung. Pangako naman ni Cong. Lara na maglalaan din ng karagdagang 10,000,000 piso mula sa General Appropriations Act sa susunod na taon.